Ano Ang Dalawang Uri Ng Panitikan?
Ano ang dalawang uri ng panitikan?
Dalawang Uri ng Panitikan:
- Patula
- Prosa o Tuluyan
Ang patula ay uri ng panitikan na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama sama ng mga malikhaing salita sa bawat taludtod na may sukat o bilang ang pantig at may tugma sa hulihan ng bawat taludtod. Ito ay kinabibilangan ng mga liriko, patnigan, tulang pantanghalan, at tulang pasalaysay. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang "Sa Dalampasigan" ni Teodoro A. Agoncillo, "Isang Punungkahoy" ni Jose Corazon de Jesus, at "Sa Aking mga Kabata" ni Dr. Jose Rizal.
Ang prosa o tuluyan ay uri ng panitikan na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama sama ng mga salita upang makabuo ng isang pangungusap. Sapagkat ito ay malayang pagsulat, walang limitasyon o hindi pinipigilan ang paggamit ng mga pangungusap ng may - akda. Ito ay kinabibilangan ng mga alamat, balita, dula, editoryal, maikling kwento, nobela, pabula, sanaysay, at talambuhay. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang Alamat ng Lanzones, mga pabulang isinulat ni Aesop tulad ng "Ang Inahing Manok at ang Kanyang mga Sisiw", at ang mga nobela ni Dr. Jose Rizal na El Filibusterismo at Noli Me Tangere.
Comments
Post a Comment